Isang Mensahe
July 12, 2007Bago pa man ako makatanggap ng paglalait sa ibang tao, ako'y lugod na nagpapasalamat sa aking mga kaibigan na nag bigay inspirasyon sa pag gawa ng blog na ito. Sa oras na ito, ako'y nakatayo at sumasaludo sa aking mentor na si Bertong Balibag, kung hindi dahil sa kanya malamang ay successful na ako ngayon. At sa aking beastfriend noong musmos pa lang kami na si Imbisibol Man( Ryan po ang totoong pangalan nya) sa mga kababalaghan na kanyang ipinamahagi sa akin. toast tayo dyan!
hindi maiiwasan na isipin ng ibang tao na ako ay isang di pangkaraniwang tao, ako daw ay clone lng at hindi totoong tao. mali po sila, ako po ay reincarnated form ni elton john na gawa sa tinunaw na kandila. Ako'y nagkakulay lamang ng dahil kumain ako ng mahigit isang libong crayola kaya ganito ang mukha ko ngayon pogi nga.
Pero higit sa lahat,ako po'y humihingi ng pasensya sa aking girlfriend na bakasakali makita itong blog ko at isipin na may tama ang utak ko. hindi po totoo yan. Ako po ay isang matinong tao at mapagmahal. Kaya ko lng naisipan na gumawa ng kalokohang blog na ito ay dahil ito ay isang outlet ng aking mga naiisip na magagandang bagay ika nga ang tawag dyan ay "creative minds"…ito ay alay ko sa ating bayan para matapos na ang karahasang nagyayari sa mindanao.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


