Ang Enkwentro ko sa MUMU
July 13, 2007Hating gabi nang matapos kaming uminon ni Bertong Balibag. Hindi ako agad natulog ng dahil ako ay kumain at busog pa. Niligpit ko ang mesa at itinabi na ang bangkay ni SanMigLight sa ilalim ng lababo. Malipas ang ilang minuto, Mmay naririnig akong kalampag sa ilalim ng mesa.
Nung una ay hindi ko ito pinansin ng dahil baka natumba lng ang bote. Pero Ilang minuto uli, may narinig uli akong kalampag na may kasamang boses. Hindi naman ako natakot kasi baka epekto lng lang ng kalasingan. Ngunit unti-unting lumalakas ang tunog kaya ako'y medyo natakot na. "Paking Syet" ang bulong ko sa sarili ko. Biglang nawala ang aking antok sa takot. Pero ng dahil ako ay matapang at hindi naniniwala sa mga multo, sinubukan kong hanapin kung saan talaga galing ang tunog. Para medyo horror ang dating, hindi ko pinaandar ang ilaw. Hawak lang ang flashlight, ako'y nagsimula na sa paghanap.. Ayan na naman ang boses, "Paking Syet" ano kaya yon. itinutok ko ang aking flashlight sa baba ng lababo at NAKO!!! May nakita akong multo. Sa umpisa ay takot na takot ako pero hindi naman siya violente. Nung tinanong ko ang pangalan nya, SUS!!! Siya pala ay ang kaluluwa ni SanMigLight.
Abangan….Ang aking interview sa MUMU..
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



