Alcohol - the greatest discovery man ever did...

Home » Post Item » R.I.P SanMigLight

R.I.P SanMigLight

July 13, 2007

9:00pm na naman kagabi, Ako'y muli nauhaw at sabik na sabik uminon ng beer kaya ako'y naghanap ng kadamay. Kinuha ko ang aking cellphone at nagtxt uli kay Bertong Balibag. Ilang sandali lng tumunog na ang aking cellphone. Sabik na sabik din pala si Bertong Balibag uminon at ang sabi pa nga nya ay "Bilis, mapapanis ang beer!".. ako'y muli napahinto at napaisip.. "Kelan ba napanis ang beer? Paking syet ewan ko pero sayang yun!"

Kaya ako'y agad kumuha ng bote at nilagay sa plastik.. lumakad kami papunta sa bilihan at ibinigay na ang dalang bote. Nung hinawakan ko ang bote ito ay malamig, kaya ako'y muli napahinto at napaisip, "Napapanis nga ang beer, patay na yata at bakit malamig na ang katawan ng bote" Nag madali kami pauwi para masubukang buhayin muli si SanMigLight. Kaya kinuha ko ang aking pangbukas at binuksan. Agad kong tiniknam, *gulp,Gulp, gulp*…isang tagumpay ang operasyon, muling nabuhay si SanMigLight, masarap, swabe at malamig. Ngunit kinakailangan ko na siyang patayin uli, sayang din naman kasi ang binayad namin kung di ko siya uubusin…kaya ito ang nangyari sa aming kaibigan…….R.I.P SanMigLight..mamimis ka namin..di bale madami ka pa namang kamag-anak.

 


Posted by kennethpogi at 10:55 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment