Ipinakikilala….si Matador, ang ampon na kapatid ni SanMigLight
July 16, 2007Habang ginagawa ko itong post na ito, kami ay umiinom na naman kasama sina Bertong Balibag at Imbisibol Man. Kung napapansin nyo, ito ang kauna-unahang apearance ni Imbisibol Man. Sapagkat hindi nya pa gaano ma control ang kanyang powers, minsan siya ay bigla nalang mawawala. *Di bale, ayos lng yan pare, exercise lng natin ang ating liver*. Makabalik sa istorya, konting impormasyon lng tungkol kay Matador. Siya po ay Matangkad at Moreno, laking probinsya at hindi gaano sosi kumpara sa kanyang kapatid. Sa halagang 63.75 pesos, Di gaano mahal mag singil ng labor pero kaya nyang tapusin ang kanyang trabaho at ito ay para sirain ang inyong atay. Muli akong napatahimik, hindi mapigilang mag isip "Tatagal pa kaya ang atay ko? Mga ilang litro pa kaya ang kaya?". Ngunit ng dahil swabe dn ang diskarte ni Matador, hinayaan nalang namin.
Matapos ang ilang sandali, napapansin ko na unti-unti umiiba ang aming pagkatao. Kaya naisipan kong mag kuha ng picture para pag kami ay nasa tamang pag iisip na, makikita naman ang mga kalokohang ginagawa namin.
Naunang bumigay si Bertong Balibag. Kinuha ang hanger, akala ito ay pana at siya daw ay si kupido. Matapos makitang naghahalucinate si Bertong Balibag, Pumwesto si Imbisibol Man at nagpakuha ng picture isip siya daw ay si SpiderMan. At ako naman si Kurt Cobain, singer at gitarista ng Nirvana.
Matapos makita ang mga pictures na ito, ako'y napasabi, "Syet ok ah!!! "Peri sino kaya mas magaling, Si Matador o si SanMigLight? Abangan bukas ang kanilang pag tutuos..kinakailangan muna naming ubusin para lugod na maunawa ang pagkatao ni Matador.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


