Alcohol - the greatest discovery man ever did...

Home » Post Item » Paumanhin sa mga fans ko

Paumanhin sa mga fans ko

July 24, 2007

Napansin ninyo na wala akong bagong post nga limang araw na. Yan ay dahil binigyan ko ng konting panahon na makapagpahinga ang aking atay dahil pakiramdam ko masyado na akong inlove sa alcohol at ako'y nasisiraan na ng ulo. Kaya ako ay nag hanap ng ibang libangan para hindi  ako ma depress ng sobra. Paking syet pero na miss ko na ang aking mahal sa buhay. ALCOHOL!!! ASAN KA NA? SANA HINDI KA NAG TAMPO.

Sa ngayon ako ay may ibang kalohohang ginawa. Ito ay mas magastos at nakakatakot dahil pag nagkamali ka ay sunog ang pero mo dito. Pero hindi bale, madami naman akong pera at wala akong pakialam kung anong masamang mangyari basta ang importante ay masaya ako. Matanong ninyo ano itong bagong modus ko? Ito ay tinatawag na "Overclocking". Kinakailangan mo ng madaming pera at sapat na kaalaman sa PC upang ikaw ay matawag na ganap na GEEKUS ERECTUS. Yan ay ang pinakamataas na level ng mga hardcore, adik at alcoholic na PC Enthusiast. Nais kong ipamahagi sa inyo ang isang video na nag bigay inspirasyon sa akin na pumasok sa ganitong gawain. Panoorin nyo at baka kayo ay mapaluha din.


Posted by kennethpogi at 6:07 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment